Huwebes, Nobyembre 24, 2016
HOMEMADE PIZZA
Tayong mga pilipino ang kadalasang kinakain natin ang masasarap katulad na dito ang Pizza. Gustong gusto ko ang pizza lalo na kapag ito ay ng aking nanay lalo na kapag Fresh na fresh at mainit pa bata pa lang ako ang mahilig na ako sa Pizza kaya ang aking nanay ay naisipan gumawa ng homemade pizza.
Nais ko kayong gustong turuan na gumawa ng Homemade pizza kailangan mo lang mga sumusunod na ito:
1 to 2 servings.. double na ingredients for more pieces, 1 cup all purpose flour, 1/4 cup beer (Purpose ng beer, nagpapalambot ng arina, at kapalit ng yeast, Remeber beer is a Yeast too!), 1 tsp salt, sugar 2 tsp or 1tbsp, 1tbsp oliveoil,1tsp baking powder at kahit anong cheese.
Paano gumawa ng Crust without using the yeast 1 to 2 serving is 1 cup of flour double na ingredients to make more pie.
Sa isang mixing bowl,maglagay ng 1 cup na arina..at taktakan ng dried basil leaf at paminta.1 tsp asin..at asukal.1 tbsp para sa matamis ang dila..matabang kung di lalagyan ng asukal..lasa lang siyang cracker.. haluin muna ang oil sa arina hanggang di na makita ang oil
Lagyan den natin ng 1 tsp of baking powder..then haluin ito.Maghanda ng di malamig na beer..ibuhos sa baso at alisin munang mawala ang bula..1/4 cup na beer,ihahalo sa arina...dahan dahang ihalo ang beer, habang hinahalo ang arina..Haluing mabuti hanggang mawala ang lagkit ng mamasahing dough. At at ikneed sa kamay ,masahihin ng ilang minuto then ibilog at ipahinga ng 30 minutes until one hour..
cover with cloth .After the rested dough...gumamit ng roller para maflat ang dough..gawing elastic ang dough..gumawa ng pizza crust..Ang nipis o kapal ng crust ay depende sa inyong pag pa flat.. higit higitin ng kaunti para mabanat..o paikot ikutin sa ibabaw ng kamay..gumamit ng teknik . At kung satisfied na sa nipis ng crust..ilatag at pahiran ng pizza sauce at ng mga paboritong toppings..
at cheese..Ang mga maiitim na nakikita sa crust ay paminta at dried basil
Ang paglalagay ng toppings ay maaring gawin sa loob na ng frying pan..or buhatin papunta sa pan.Kailangan ng lapat na kawali para pantay ang pagluluto ng pizza ,at takip para maipon ang init sa pagluluto ng pizza..Then magpainit ng kawali at lagyan ng kaunting oil.
paininiting mabuti , bago isalang ang pizza .Hayaang maluto ang crust ng nakatakip..alalayan ang niluluto para di masunog ang ilalim.Kapag sa palagay nyo na luto na ang crust.Patayin ang apoy ng kalan ,at iwan muna ng ilang minuto para matunaw ang cheese..Kung makapal ang crust na ginawa ,hindi basta matutunaw ang cheese..so,
Kahit patay na ang apoy sa kalan,Hayaang matunaw ang keso sa loob ng frying pan..
Kahit mejo matagal gawin ang pizza na ito ay sulit naman at ikaw ay mag eenjoy sa iyong kinain dahil ito ay tiyak na masarap at hindi magsisisi kahit mejo matagal ang paggawa ng pizzang ito at sa mga walang oven sa bahay itry niyo to dahil ito ay di na kailangan ng oven at pwede gawin kahit saan.
Hanggang sa susunod muli maraming salamat sa pagbasa.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)